Episode 2: Si Atari

23 01 2010

Ang nakaraan:

Magbackread ka kaya, alangan namang ikwento ko pa.

Salamat sa lahat ng nagbasa at nagkomento, huwag na lang ipahalatang binayaran ko kayo.

Naipakilala ko na sa inyo si nanay at tatay. Ngayon ang isa sa mga kapatid ko naman. Si Atari ang sumunod sa akin. Babae siya, hippie kasi si tatay kaya ipinangalan siya sa gaming console. Buti na lang hindi pa uso ang pokemon at tomagochi nung kabataan ni tatay. Business Admin ang kinukuha niya, caregiving course ang suggestion ng isang auntie namin kaso ayaw magkawkaw ng mga Canadians ni Atari. Sosi yun eh. Sabi ko mag-artista na lang siya kasi magaling siyang mag-taglish. At madalas wala siyang ginagawa sa bahay kaya pwede siya sa PBB. Magaling siyang umarte, lalo na sa harap ni tatay. At magaling din umiyak. Tanga kasi sa pag-ibig.

Paborito siya ni nanay, nung bata pa siya kung anu-anong ipit at ayos ng buhok ang ginagawa sa kaniya ni nanay. Parang pet ni nanay sa facebook ba. Ngayon siya naman ang nagbubunot ng puting buhok ni nanay. Hindi kami ganoon ka-close ni Atari pero kung may mapagkakasunduan kami ay yung pangarap namin na mag-host ng talkshow si nanay at turuan mag-skateboard si tatay. We have a dad who seldom talks and a mom who never shuts up.

Balak ko nga lagyan ng mga camera ang buong bahay at i-tape ang araw-araw na buhay namin. Parang “The Osbournes” ba. Tapos ipapadala ko sa Studio23. Isa lang talaga ang pumipigil sa akin, wala akong pambili ng mga camera. Artistahin ang pamilya namin at mayabang ako.

Si Atari Arimo. Size ng battery ang initials niya. Tipikal na dalagang pilipina. Patago uminom at magyosi. Ala-2NE1 pumorma. Vitamins ang facebook. Ipo-pause ang 27x nang napanuod na New Moon DVD para lang umihi. Nagsusuot ng panty at gumagamit ng sanitary napkin kapag dinudugo. Kabisado ang mga linya ng bidang babae sa “The Notebook”. Umiiyak dahil sa lalake. May kuya’ng babaero’ng nananapak kapag niloko siya.

Si Atari Fernandez Arimo, mudra ang tawag kay mama.

Advertisements




episode 1: intro and extro

11 01 2010

Boy Abunda: What do you think is the Philippines’ biggest problem?

Wes: Sex.

Boy Abunda: What? What do you mean by “sex is the Philippines’ biggest problem?”

Wes: I mean sex is the country’s biggest problem.

Boy Abunda: Maaari bang ipaliwanag mo sa taong bayan kung ano ang ibig mong sabihin?

Wes: Crime, poverty, politics.. Maski si Manny Pacquiao ang pag-usapan natin it will all boil down to sex.

Boy: Ahaaah-haah-hah-hah! That was funny!

Wes: And you’re not..

Boy: Ahmm, ahhh.. What do you think of President Gloria Macapagal Arroyo running for Congress?

Wes: I think you have thick eyebrows, should stop wearing loose blazers with tight-fit jeans..

Boy: Sa tingin ko-

Wes: Teka sinagot ko na ba tanong mo? Ako wala ako pakialam kung tumakbo man si Ma’am Gremlin na  mangongotong doon sa distrito niya, karapatan niya yun, kung ayaw mo siyang manalo tumakbo ka rin kalabanin mo siya. Ganun lang yun.

Boy: Sa tingin mo mananalo siya?

Wes: Aba malay ko? Echosera’ng to? May hawak ba kong baraha? Si Jojo Acuin nga hindi niya nahulaan kung kailan mamamatay si Michael Jackson eh?

Boy: Ah-hueh-hueeh-huehh-huhh.. ! Kidding aside, palagay mo handa na ang mundo para sa isang Wes Arimo?

Wes: Una Kuya Boy, Ate Boy.. Kuya Boy kung may magtatanongman niyan eh si Korina Sanchez dapat yun. Pangalawa, bakit naman sila maghahanda, hello??

Boy: Bottomline, ano ang tingin mo sa pulitika sa Pilipinas?

Wes: Showbiz.

Boy: Bottomline, pabor ka ba sa panliligaw ni Efren Penaflorida kay Angel Locsin?

Wes: Si Efren??? Yung mokong na yun kakaribalin pa ‘ko?! Anak ng..

“Wesnoriooo!! Putangina mo diyan gumising ka naisampay mo tong mgad amit mong nilabhan ko!!”

..yun si Priscilla Fernandez. Hindi siya boldstar, nanay ko siya. May convenience slash sari-sari store kami dito sa looban at siyempre siya ang general manager. Hindi ko alam kung paano naging ingles ng sari-sari ang convenience. Ako si Wes Arimo, anak ni Miguel Arimo, at ni Priscilla syempers. “ate” ang tawag ko kay nanay, “pare” naman ang tawag ko kay tatay. May mga kapatid ako pero huwag na muna natin silang pakialaman.

Naisipan ko gumawa ng blog kasi nagpakabit ng DSL sina Tito. Makulay naman ang buhay ko, minsan blue, madalas green, sometimes yellow, minsan crimson red,bangitin mo na lahat ng nasa 48-color box ng Crayola.

Wes lang ang pangalan ko at hindi Wesnorio. Pangalan kasi ng lolo ko na tatay ni mama ay Tenorio,kaya ayun. Welcome sa buhay ko.





under construction. go away.

9 01 2010