Ang nakaraan:
Magbackread ka kaya, alangan namang ikwento ko pa.
Salamat sa lahat ng nagbasa at nagkomento, huwag na lang ipahalatang binayaran ko kayo.
Naipakilala ko na sa inyo si nanay at tatay. Ngayon ang isa sa mga kapatid ko naman. Si Atari ang sumunod sa akin. Babae siya, hippie kasi si tatay kaya ipinangalan siya sa gaming console. Buti na lang hindi pa uso ang pokemon at tomagochi nung kabataan ni tatay. Business Admin ang kinukuha niya, caregiving course ang suggestion ng isang auntie namin kaso ayaw magkawkaw ng mga Canadians ni Atari. Sosi yun eh. Sabi ko mag-artista na lang siya kasi magaling siyang mag-taglish. At madalas wala siyang ginagawa sa bahay kaya pwede siya sa PBB. Magaling siyang umarte, lalo na sa harap ni tatay. At magaling din umiyak. Tanga kasi sa pag-ibig.
Paborito siya ni nanay, nung bata pa siya kung anu-anong ipit at ayos ng buhok ang ginagawa sa kaniya ni nanay. Parang pet ni nanay sa facebook ba. Ngayon siya naman ang nagbubunot ng puting buhok ni nanay. Hindi kami ganoon ka-close ni Atari pero kung may mapagkakasunduan kami ay yung pangarap namin na mag-host ng talkshow si nanay at turuan mag-skateboard si tatay. We have a dad who seldom talks and a mom who never shuts up.
Balak ko nga lagyan ng mga camera ang buong bahay at i-tape ang araw-araw na buhay namin. Parang “The Osbournes” ba. Tapos ipapadala ko sa Studio23. Isa lang talaga ang pumipigil sa akin, wala akong pambili ng mga camera. Artistahin ang pamilya namin at mayabang ako.
Si Atari Arimo. Size ng battery ang initials niya. Tipikal na dalagang pilipina. Patago uminom at magyosi. Ala-2NE1 pumorma. Vitamins ang facebook. Ipo-pause ang 27x nang napanuod na New Moon DVD para lang umihi. Nagsusuot ng panty at gumagamit ng sanitary napkin kapag dinudugo. Kabisado ang mga linya ng bidang babae sa “The Notebook”. Umiiyak dahil sa lalake. May kuya’ng babaero’ng nananapak kapag niloko siya.
Si Atari Fernandez Arimo, mudra ang tawag kay mama.



beys?
teka..basa muna
Medyo naka-relate ako sa name na Atari.
Magka-edad siguro kami ng tatay mo kasi medyo panahon ko yata yang Atari game console na yan.
Di naman ako nagulat sa sinabi mong “We have a dad who seldom talks and a mom who never shuts up”.
May pauna na kasi ang Bibliya tungkol diyan.
1 Tim 2:11 Ang babae’y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.
Salamat sa pag visit mo parekoy.
Kewl
I can’t even imagine you saying this Lolo J.Kul. Bwahahahaha!
Bakit…bakit..wala ba akong karapatang maging jologs?
Jologs o konyotic putik?
Salita kasi yan ng kabataan. At ikaw.. ikaw.. ay..
hahaha. mudra ang tawag kay mama. nice!
PLUG: Join 50×50 WP Pinoy Project! Visit http://bit.ly/50x50wppp for more information!
ayus naman ng name, pwede ko ba syang mameet? para kasing magkakasundu kami.. hehehe..
may bagu nako post! hehehe
ayos sa name ang sis mo ah? hehe.
at mudra talaga ang tawag sa mama mo. hahaha.
haha! nagulat ako sa banner mo! ang cute! =]
please join my first blog contest!
You are invited to Llama’s Choice Award 2010
Anong gaming console naman ang Atari? Hindi ako masyadong familiar don, pero mukhang exciting naman kung pang pokemon ang name ng kapatid mo. Haha. Sister Pikachu! I choose you!!
Infernes napasmile ako don sa ‘size ng battery and initials nya’. Haha. Lavet.
Hindi ko matandaan yung Atari… Alam ko lang FamiCom. Yan ba yung may joystick. Hehe…
… Anyway, at least you have your mom and dad. Be thankful Kuya Wes.
nang mabasa ko ang pangalang atari, ang naiisip ko pang anime ang pangalan nya…cool para sa isang babae…haha
We have a dad who seldom talks and a mom who never shuts up
- wahaha. dito din ganyan:)
atari.nakakatakot nga kung pokemon ang nausong laronoon. ayaw ko iimagine.hihi.
sino naman susunod papakilala?
hala! ang cute naman ng name ni sister! atari! ang cute promise! aylabet! atariiiiiiii! tapos parang 2ne1! ayos ah!
sumbong kita kay atari arimo para (ma)atake (ang) ari mo
padaan..
Anjong yung atari yun yung may joystick o0, wes anu e-mail add ni atari?
Patawing si Yin.
Wes bakit tamad ka pa sa tamad magpost?
Walang panahon?
Lumayas ka na dito..akin na to.
Musta?
Naligo ka na ba?
Nagsaing?
Nag-igib ng tubig sa balon?
Paliguan mo na si Tagpi ha?
babay
padaaaaaan ulit!
nice, battery-size ang initials… great!
astig ng pangalan! DOUBLE A battery! hahah “AA” parang masarap abangan yung video footage na yun ah! balak ko din yan, pag uwi ko sa pinas lalagyan ko ang buong bahay namin ng cctv tapos connected sa internet haha! =)
anyway. musta yin!! dalang ko madalaw dito!! back read nalang ako!!
May kilala akong ganito din magsulat at pag kami na nagkulitan kami lng dalawa ang nagkakaintindihan
napadaan lng po:-)
meron kaming atari dati bago pa dumating yung family computer.. hahahahaha kapanget ng mga laro doon.. langya.. hehehehe
ito ba yung bagong bahay mo, yin?
ang ganda name..
yung dyaskeng utol ko.. hanamichi na name nung firstborn nya..
pagkagaleng!!